dzme1530.ph

Realignment ng pondo ng PhilHealth sa 2025 GAA, iligal –Sen. Lacson

Loading

Nanindigan si Sen. Panfilo Lacson na iligal ang pagtanggal sa ₱74-B pondo para sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa 2025 General Appropriations Act.

Kinuwestyon ni Lacson ang mga mambabatas kung bakit sila pumayag sa umano’y labag sa batas na realignment ng pondo, na aniya ay nilalabag ang Sin Tax Law at ang prinsipyo na hindi maaaring amyendahan ng general law ang special law.

Sa talakayan sa Senado, sinabi ni Sen. JV Ejercito na ₱43-B na lamang ang natira sa Senate version ng budget para sa PhilHealth, at tuluyang inalis sa bicameral conference committee.

Giit ni Lacson, malinaw sa PhilHealth Act at Universal Health Care Act na dapat gamitin ang sobrang pondo ng PhilHealth para dagdagan ang benepisyo ng miyembro o ibaba ang kanilang premium, at hindi para i-realign sa ibang programa.

About The Author