Inaasahan na ni Vice President Sara Duterte na tatapyasan ng Kamara ang proposed ₱903 million budget ng kanyang opisina para sa 2026.
Ayon kay VP Sara, matutulad lamang din ang resulta ngayong 2025 kung saan mula sa proposed ₱2.037 billion ay naging ₱733.198 million lamang ang ibinigay na pondo sa Office of the Vice President (OVP).
Dagdag ni Duterte, hindi naman aniya nagbago ang administrasyon at pareho pa rin ang presidente at House speaker, kaya wala na itong inaasahang anupaman para sa OVP.
Unang nag-propose ang OVP ng ₱733 million na budget para sa 2026, na kalaunan ay dinagdagan ng Department of Budget and Management (DBM) ng ₱70 million.
Humirit naman ang opisina ng additional increase na inaprubahan ng DBM, hanggang sa umabot sa ₱903 million ang proposed budget ng OVP para sa susunod na taon.