Pinatitiyak ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na impartial at may kredibilidad ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa mga kwestyonableng flood control projects.
Ito ay kasunod na rin ng paglulunsad ng gobyerno ng website na Sumbong sa Pangulo para sa updates sa mga flood control projects.
Kasabay nito, sinabi ni Villanueva na nasa kamay ni Pangulong Marcos ang kapalaran ni DPWH Secretary Manuel Bonoan habang nagpapatuloy ang pagsisiyasat.
Kung nananatili aniya ang tiwala ng Pangulo sa kalihim, siya lamang ang makapagsasabi kung dapat itong manatili sa puwesto.
Sa usapin kung sino ang dapat mag-imbestiga, iginiit ni Villanueva na matapos banggitin ng Pangulo sa SONA ang usapin, umaasa siya ng mas malawak pang pagbusisi dito.
Sila aniya sa Senado ay tiyak na bubusisiin ang usapin lalo’t marami sa kanila ang gigil na malaman kung saan napunta ang mga pondo para sa flood control.