dzme1530.ph

Banggaan ng 2 barko ng China sa Bajo de Masinloc, dapat magsilbing leksyon

Loading

Muling kinalampag ni Sen. Risa Hontiveros ang China upang ihinto ang aniya’y patuloy na karahasan at pangha-harass sa West Philippine Sea kasunod ng pagbanggaan ng mga barko ng Chinese Coast Guard at Chinese Navy sa gitna ng kanilang pagtaboy sa mga Pilipino sa sariling karagatan.

Sinabi ni Hontiveros na ang insidente ay patunay ng marahas at mapanganib na aksyon ng China na mismong kanilang mga tauhan ang nabibiktima.

Dapat aniya itong magsilbing leksyon sa China na gigil sa pagtataboy ng mga Pilipino sa sarili nating karagatan.

Pinuri rin ng senadora ang Philippine Coast Guard sa pagpapatupad ng Safety of Life and Sea matapos mag-alok ng tulong sa kabila ng pangbubully ng China.

Kasabay nito, nanawagan si Hontiveros sa pamahalaan na mas palakasin ang suporta sa mga mangingisda, tiyaking may patuloy silang access sa kanilang tradisyunal na pangingisdaan sa Bajo de Masinloc, at magpanatili ng presensya ng maritime law enforcement buong taon upang protektahan ang kabuhayan ng mga ito.

About The Author