dzme1530.ph

Sen. Villanueva, umaasang may mapapanagot na sa aksyon ni PBBM kaugnay sa mga kwestyonableng flood control projects

Loading

Sa gitna ng pagtutok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa imbestigasyon sa mga kwestyonableng flood control projects, umaasa si Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva na may maparusahang mga contractor na sangkot sa katiwalian.

Ito ay kasunod ng pagtukoy ng Pangulo sa 15 na mga kumpanyang nakakuha ng malalaking flood control projects sa buong bansa.

Sinabi ni Villanueva na mismong ang Pangulo na ang nagbanggit mula sa kaniyang malawak na intelligence information sa gobyerno.

Sa panig nila sa Senado, wala aniya sa kanila ang may koneksyon sa 15 kumpanyang binanggit ng Pangulo at ang dapat anyang tingnan ay sa Kamara.

Kabilang sa 15 ay ang Sunwest Construction Corp. na iniuugnay kay Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co at St. Timothy Construction Corp. na iniuugnay kay Sara Discaya na kumandidato at natalong mayor ng Pasig City.

Para kay Villanueva, vindication rin ito sa kanila ni Senate President Chiz Escudero na inakusahan na may malalaking flood control projects bago ang botohan sa Senate presidency.

About The Author