dzme1530.ph

100% tariff ng US sa semiconductor industry, may negatibong epekto sa mga manufacturer sa bansa

Loading

Nagbabala si Sen. Imee Marcos sa posibleng epekto ng 100 percent tariff ng Estados Unidos sa semiconductor industry ng Pilipinas.

Sinabi ni Marcos na hindi dapat balewalain ang negatibong epekto ng US trade decision sa semiconductor exports ng bansa na umaabot sa 4.5 hanggang $6 billion kada taon.

Nakalulungkot aniya na sa ganito na lumabas ang trade relations ng Pilipinas sa US na matagal nang kaalyado ng bansa at maituturing na trusted at reliable trade partner.

Sinabi ni Marcos na kailangang magkaroon ng plano kaugnay sa mga bagong trade agreements at hindi lamang manatiling passive observer ang Pilipinas.

Habang ang mga kumpanya aniya sa Estados Unidos ay nananatiling exempted sa taripa, nahihirapan naman ang mga local manufacturers sa bansa.

Inirekomenda ng senador na isulong ng gobyerno ang targeted US exemptions, bumuo ng contingency contracts sa bawat customer, at maghanap ng iba’t ibang merkado lalo’t hindi naman nag-iisa ang US sa mundo.

Iminungkahi rin niyang bumuo ng “U.S.-linked production lanes” upang mapanatili ang American buyers.

About The Author