Ang chia seeds ay maliliit, flat-shaped na itim, puti, o brown na buto ng chia plant na karaniwang hinahalo sa pudding, baked goods, at ginagamit bilang toppings sa salad o yogurt.
Mayaman ito sa omega-3 fatty acids, isa sa mga pangunahing kinakailangan ng katawan. Malaki ang papel nito sa pangangalaga ng serotonin at dopamine, na mahalaga para sa kalusugan ng utak, mental health, at mood ng isang indibidwal.
Ang regular na pagkonsumo ng chia seeds ay epektibong panlaban sa malalalang sakit tulad ng heart disease at kanser, dahil sa taglay nitong antioxidants tulad ng chlorogenic acid, quercetin, at kaempferol.