dzme1530.ph

Comelec, hinihintay ang resolusyon ng Bangsamoro Parliament sa isyu sa Sulu para sa nalalapit na BARMM elections

Loading

Inaabangan ng Comelec na maresolba ng Bangsamoro Parliament ang problema sa Sulu, sa gitna ng patuloy na paghahanda ng poll body para sa Bangsamoro Parliamentary Elections sa Oktubre.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na hindi pa nare-re-allocate ng parliyamento ang seats na unang itinalaga sa Sulu, matapos ibasura ng lalawigan ang Bangsamoro Organic Law sa pamamagitan ng plebisito noong 2019.

Inihayag ni Garcia na dahil sa naturang desisyon, ang pitong kinatawan ng Sulu ay kailangang maikalat sa natitirang mga probinsya.

Paliwanag ng poll chief, may posibilidad na pagsapit ng halalan sa BARMM sa Oktubre, ay 73 seats lamang at hindi 80 ang nakalagay sa election code.

Idinagdag ni Garcia na una nilang itinakda noong May 30 ang deadline para maresolba ng parliyamento ang usapin subalit pinalawig nila ito hanggang ngayong Agosto.

About The Author