Pumalo sa mahigit dalawang milyon ang bilang ng mga nagparehistro para makaboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa pinakahuling datos mula sa Comelec, umabot sa 2.1 million individuals ang nagpatala sa iba’t ibang panig ng bansa.
Nanguna ang Calabarzon sa mga rehiyon na may pinakamaraming nagparehistro na nasa 265,000, sumunod ang Central Luzon na may 220,000 at Metro Manila, 156,000.
Nagpasalamat naman si Comelec Chairman George Garcia sa lahat ng nakiisa sa sampung araw na voter registration period, na nagsimula noong Aug. 1 at nagtapos kahapon, Aug. 10.
Patunay aniya ang mahigit dalawang milyong mga bagong botante na nais nilang mapakinggan ang boses ng bawat isa, anuman ang kanilang katayuan sa buhay.