Umabot na sa mahigit 500 depektibong timbangan ang nasabat ng Dagupan City Anti-Littering Task Force mula sa mga tindero sa Magsaysay Fish Market, sa Pangasinan.
Sa isinagawang inspeksyon ng mga awtoridad, natuklasan ang 20 sirang timbangan na umano’y ginagamit ng ilang tindero upang samantalahin ang pagtaas ng presyo ng ilang uri ng isda.
Ayon kay Anti-Littering Task Force Officer Carlos Galves, hindi nila kukunsintihin ang ganitong uri ng pandaraya at handa silang magsagawa ng inspeksyon araw-araw sa mga pamilihan ng isda.
Dinala at isinuko sa motorpool sa Bonuan Binloc ang mga nakumpiskang timbangan para sa tamang disposisyon.