Ipinag-utos ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban sa pag-aangkat ng mga buhay na baka at kalabaw mula sa France at Italy.
Kasunod ito ng kumpirmadong outbreaks ng lumpy skin disease (LSD), isang nakahahawang sakit na nagdudulot ng lagnat at pambihirang mga bukol sa balat ng mga infected na hayop.
Ayon sa DA, saklaw din ng ban ang products at byproducts, kabilang ang embryos at semen, alinsunod sa Memorandum Orders 43 at 44 na nilagdaan noong Aug. 1, 2025.
Batay sa pinakahuling datos mula Philippine Statistics Authority (PSA), lumago ang produksyon ng baka ng 2.0% noong ikalawang quarter habang bumagsak ang produksyon ng kalabaw ng 2.9%.