dzme1530.ph

PNP AVSEGROUP may apela sa mga shooters na lalahok sa action air world shoot sa Iloilo

Loading

Umapela ang PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lahat ng local at international passengers na may dalang lisensyadong baril, tulad ng airsoft o pellet gun, na siguraduhing kumpleto ang lahat ng kinakailangang dokumento.

Sinabi ng Avsegroup na pinahihintulutan ang mga shooters na magparehistro bago ang kanilang flight habang pinoproseso ang dala nilang baril. Layunin nito na manatiling ligtas ang paliparan at matiyak ang pagsunod sa mga umiiral na batas.

Inaasahan na maraming shooters mula sa iba’t ibang bansa ang darating sa Iloilo upang lumahok sa 2025 IPSC Action Air World Shoot (AAWS), na isang major world event.

Nilinaw din ng Avsegroup na lahat ng uri ng airsoft gun ay dapat i-check-in.

Samantala, kailangang magbayad ang bawat pasahero ng P1,200 kada baril sa Philippine Airlines sa Naia Terminal 2, habang P1,680 naman ang bayad sa Cebu Pacific sa Terminal 3.

Nabatid na aabutin ng humigit-kumulang dalawampung minuto ang pagproseso nito.

About The Author