Tahasang sinabi ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon na walang dahilan para palitan si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez bilang pinuno ng Kamara.
Bwelta ito ni Ridon sa pahayag ni Sen. Imee Marcos, na nagsabing si Romualdez ang dapat palitan at hindi ang bise presidente.
Tinukoy ni Ridon, chairman ng Committee on Public Accounts, ang latest OCTA survey na nagpapakitang mas mataas ang trust at satisfaction ratings ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Romualdez kumpara sa Senado sa ilalim ni Senate President Francis Escudero.
Ayon sa Bicol Saro, hindi dapat palitan ang pinunong “fully committed” sa pagtitiyak ng pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng impeachment at iba pang legal na proseso.
Batay sa July 2025 OCTA survey, umakyat sa 57% mula 49% ang trust rating ng Kamara, habang tumaas din sa 55% mula 47% ang satisfaction rating nito.
Ito ang unang pagkakataon na nalampasan ng Kamara ang rating ng Senado.