dzme1530.ph

Korte Suprema, nilinaw na hindi unanimous ang desisyon sa League of Cities case

Loading

Nilinaw ng Korte Suprema na hindi unanimous ang naging desisyon sa kaso ng League of Cities.

Ito ang pahayag ni SC spokesperson Atty. Camille Ting bilang tugon sa mga katanungan tungkol sa nasabing desisyon.

Ayon kay Atty. Ting, hindi malinaw kung saan nanggaling ang pahayag na nagsasabing unanimous ang desisyon. Ito ay matapos ihayag ni Sen. Risa Hontiveros, sa botohan sa Senado kaugnay ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, na unanimous umano ang desisyon ng Korte Suprema sa usapin ng League of Cities.

Binanggit din ni Hontiveros na bagamat unanimous ang desisyon noong 2009, binaligtad din ito ng Korte Suprema kalaunan. Ngunit pinasinungalingan ito ni Atty. Ting at iginiit na hindi unanimous ang resulta ng botohan.

Paliwanag ni Atty. Ting, may mga pagkakataon na nag-reverse o binaligtad ng Korte Suprema ang sarili nitong unanimous decision sa ibang partikular na kaso.

Pinayuhan din ni Atty. Ting ang publiko na tingnan ang mga nailathalang desisyon at resolusyon ng Korte Suprema na naka-post sa kanilang E-Library para sa tamang impormasyon.

About The Author