Binigyang-pugay ni Albay 3rd Dist. Rep. Adrian Salceda ang focus na binibigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sektor ng agrikultura.
Ayon sa chairman ng Special Committee on Food Security, maganda ang 5.5 % growth ng Pilipinas nitong second quarter, kung saan ang agriculture sector ang nagrehistro ng pinakamalaking paglago sa 7 %.
Ito aniya ang fastest growth sa lahat ng sektor sa bansa.
Bumaba na rin umano ng bahagya ang food prices nitong July, na malaking tulong sa maraming pamilya.
Kailangan lang aniyang siguraduhin ang 2% growth bawat taon, sa agri-sector para ma-match ang paglago ng populasyon.
Nabahala naman si Salceda sa mahinang paglago ng industry sector na nagtala lamang ng 2.1 %.
Dahil dito iminungkahi nito sa gobyerno na bilisan ang paggastos sa imprastruktura at iwasan ang FLR o for later release dahil kapag mabagal ang paglalabas ng pondo sa infra, humihina ang construction, at kapag mahina ang construction, mabagal din ang buong industriya.