dzme1530.ph

Rep. De Lima, binatikos ang Senado sa pag-archive ng impeachment case laban kay VP Sara

Loading

Hindi itinago ni Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima ang sama ng loob at pagkadismaya, sa pag-archive ng Senado sa impeachment raps laban kay Vice President Sara Duterte.

Pagdidiin ni de Lima, hindi man lang hinintay ng labing-siyam na senador ang magiging aksyon ng Korte Suprema sa inihaing motion for reconsideration ng Kamara.

Hindi man lang umano binigyan pansin ang maraming butas sa mismong desisyon ng SC, at mga opinyon ng nasa legal community at academe.

Dagdag pa rito ang napakaganda at malakas na argumento ng Office of the Solicitor General na siyang kumatawan sa Kamara.

Kung totoong “immediately executory” ang ruling, sana itinuring na lang na “noted” ang MR ng Kamara at hindi na pinagsaluhan ang petisyoners, partikular ang kampo ni VP Duterte.

Para kay de Lima, “patay na ang articles of impeachment” kahit pinalabas na “archived” lang ito at maaaring buhayin sa oras na baliktarin ng Korte Suprema ang sariling ruling.

Sinusugan din ng kongresista ang sinabi ni retired Senior Associate Justice Antonio Carpio, na ngayong naka-archive ang impeachment sa Senado, hindi na basta-basta maibabasura ng Korte Suprema ang MR.

About The Author