dzme1530.ph

DBM at DOH, muling kinalampag sa overdue allowance ng healthcare workers

Loading

Muling kinalampag ni Senate Committee on Health and Demography Chairman Christopher “Bong” Go ang Department of Budget and Management at Department of Health sa hindi pa rin naibibigay na health emergency allowance (HEA) sa mga healthcare workers.

Ipinaalala ni Go na pinaghirapan ng mga healthcare workers ang naturang benepisyo kung saan isinakripisyo nila ang kanilang oras at kalusugan para makapaglingkod.

Ipinaalala ng senador na naisabatas ang HEA noong panahon ng COVID pandemic bilang insentibo sa mga healthcare workers.

Kaya’t paulit-ulit din ang panawagan ng mambabatas para sa pagpapalabas ng HEA na sa ngayon ay aabot pa sa ₱7 billion ang balanse ng gobyerno.

About The Author