Nasa Davao City si Vice President Sara Duterte, taliwas sa pahayag ni Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro na maaaring bumiyahe ang bise presidente nang walang travel authority.
Sa panayam, sinabi ni VP Sara na ang pahayag na lumabag siya sa rule on travel authority ay bahagi ng “political scapegoating” ng administrasyon.
Naniniwala ang bise presidente na isa na naman ito sa ginagawa ng Office of the President na ilihis ang usapan sa totoong nangyayari sa bayan.
Ayon kay VP Sara, hindi kasi naging paborable sa administrasyon ang desisyon ng Senado sa kanyang impeachment case kaya gumawa ng kuwento ang Malacañang na umalis siya ng bansa nang walang travel authority upang iligaw ang atensyon ng taumbayan.
Bago ang sesyon ng Senado ay inihayag ni Castro sa mga mamamahayag na nasa India, na hindi kumuha ng travel authority si Duterte para sa kanyang Aug. 8 event sa Kuwait.