dzme1530.ph

Motion to dismiss, wala sa rules of procedure ng Senado —ayon kay Sen. Lacson

Loading

Kinuwestyon ni Sen. Panfilo Lacson ang isinusulong na motion to dismiss ni Senador Rodante Marcoleta kaugnay ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Lacson na wala sa nakasaad sa rules of procedure ng Senado ang pagtalakay sa motion to dismiss para sa anumang usapin, kabilang ang impeachment.

Samantala, sa halip na ibasura, mas nais ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III na ipagpaliban muna ng Senado ang pagdedesisyon sa impeachment complaint laban kay Vice President Duterte.

Ito ay dahil nakabinbin pa ang motion for reconsideration sa Korte Suprema na aniya’y dapat munang hintayin bago kumilos ang Senado.

Tanong pa ni Sotto anong reklamo ang kanilang ididismis kung ibinalik ng Impeachment Court ang reklamo sa Kamara at inatasang mag-comply sa dalawang hinihinging sertipikasyon ang korte para sa pagtalakay sa reklamo.

Kasabay nito, tinawag ni Sotto na erroneous o mali ang bahagi ng ruling ng Korte Suprema na nagsasabing naka-archive na ang tatlong naunang impeachment complaint matapos mag-adjourn ang Kongreso noong Pebrero 5.

Paliwanag niya, tila hindi naipabatid sa mga mahistrado ang pagkakaiba ng simpleng adjournment at sine die adjournment.

Ayon kay Sotto, sa ilalim ng simpleng adjournment ay hindi pa itinuturing na patay ang lahat ng nakabinbing panukala o usapin sa Kongreso, kaya’t hindi ito maaring gamiting batayan para sabihing lalabag sa one-year bar rule ang mga naunang reklamo.

Samantala, iginiit naman ni Sen. Risa Hontiveros na dahil wala sa rules of procedure ng Senado bilang legislative body ang motion to dismiss, mas makabubuting i-convene muna ang impeachment court, panumpain ang mga bagong senator-judges, at doon pagdebatehan ang isyu.

About The Author