dzme1530.ph

3 DPWH officials pinaiimbestigahan sa pagguho ng tulay sa Isabela

Loading

Umapela si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada kay Senate Blue Ribbon Committee Chair Rodante Marcoleta na imbestigahan ang tatlong opisyal ng DPWH kaugnay sa pagguho ng Cabagan–Sta. Maria Bridge sa Isabela.

Tinukoy ni Estrada sina Usec. Eugenio Pipo Jr., Usec. Ador Canlas, at Usec. Maria Catalina Cabral na may kinalaman umano sa plano, approval, at implementasyon ng proyekto.

Nilinaw ng senador na walang kinalaman sa insidente si Usec. Roberto Bernardo.

Giit ni Estrada, hindi lang dapat habulin ang mga contractor kundi dapat ding managot ang mga opisyal na nagpakita ng kapabayaan sa kabila ng babala sa structural defects ng tulay.

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, lumitaw sa imbestigasyon noong 19th Congress na kapabayaan, at hindi overloading, ang dahilan ng pagbagsak ng tulay.

About The Author