dzme1530.ph

200K katao, nagpatala para makaboto sa BSKE — Comelec

Loading

Tinaya sa 200,000 katao ang nagpatala para makaboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ayon sa Comelec.

Sa inilunsad na sampung araw na voter registration noong Biyernes, Aug. 1, binuksan din ng poll body ang labinsiyam na sites para sa kanilang Special Register Anywhere Program (SRAP) sa mga paaralan, transport terminals, at ilang piling ospital.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, pinili ang mga lokasyon ng registration booths base sa mataas na foot traffic o dami ng taong dumaraan.

Idinagdag ni Garcia na hindi mahalaga kung maabot nila o hindi ang isang milyong target, dahil sampung araw lang naman ang registration period.

Kumpara aniya ito sa registration period mula Feb. 12 to Sept. 30, kung saan umabot lamang sa 2.2 million ang nagpatala.

Gayunman, sinabi ng poll chief na sakaling lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na nagpapaliban sa BSKE, ipagpapatuloy ang voter registration sa Oktubre at magtatagal ito hanggang July 2026.

About The Author