Iminumungkahi ng Department of Agriculture kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang posibleng pagtaas ng taripa sa inaangkat na bigas.
Ayon kay Acting Sec. Dave Gomez ng Presidential Communications Office, bahagi ito ng mga hakbang upang maprotektahan ang mga lokal na magsasaka.
Kabilang din sa mga panukala ng ahensya ang pansamantalang pagpapatigil sa rice importation habang tinatalakay pa ang kalagayan ng produksyon sa bansa.
Tatalakayin ng Gabinete ang panukala kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa India, sa sidelines ng kanyang state visit.