dzme1530.ph

Libreng sakay, alok ng DOTr sa mga maaapektuhan ng cashless system ng MRT-3

Loading

Magbibigay ng libreng single journey ticket ang Department of Transportation at MRT-3 simula ngayong Lunes, August 4, para sa mga pasaherong hindi makaka-tap out dahil sa aberya sa cashless payment system ng tren.

Kasabay ito ng pilot run ng cashless fare collection sa MRT-3, kung saan maaaring gumamit ng debit o credit card, QR code, o NFC-enabled mobile device sa pagbabayad ng pamasahe.

Ayon sa DOTr, ilan sa mga pasahero ay sinisingil ng maximum fare na ₱28 kapag pumapalya ang sistema sa exit turnstiles.

Bilang tugon, bibigyan sila ng libreng SJT na walang expiration at maaari nitong gamitin sa susunod na biyahe.

Para makuha ang libreng ticket, kailangang ipakita ang patunay ng failed tap-out transaction sa anumang ticket booth ng MRT-3.

Ayon kay Transportation Sec. Vince Dizon, inaayos na ang system upgrades at inaasahang madaragdagan pa ang cashless turnstiles ngayong buwan.

About The Author