dzme1530.ph

Pagtatatag ng Presidential Drug Enforcement Authority, isinusulong

Loading

Isinusulong ni Senate Minority Leader Vicente Sotto III ang pagtatatag ng Presidential Drug Enforcement Authority upang mapalakas pa ang kampanya kontra ilegal na droga sa bansa.

Sa kanyang panukala, layunin ni Sotto na amyendahan ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165, na siya ring pangunahing may-akda.

Alinsunod sa panukala, pagsasama-samahin sa iisang ahensya ang apat na programa laban sa ilegal na droga, enforcement, prosecution, prevention, at rehabilitation, para mas maging epektibo at episyente ang pagpapatupad nito.

Giit ni Sotto, hindi naipatutupad nang maayos ang holistic approach sa problema sa ilegal na droga kaya’t hindi ito tuluyang nagtatagumpay.

Hindi rin aniya nabibigyan ng sapat na atensyon ang prevention at rehabilitation, na mahalaga ring bahagi ng kampanya.

About The Author