dzme1530.ph

Bilang ng kaso ng leptospirosis sa bansa, umabot na sa 569

Loading

Umakyat na sa 569 ang kaso ng leptospirosis sa bansa mula July 13 hanggang 31, ayon sa Department of Health (DOH).

Ang pagtaas ng kaso ay iniuugnay sa malawakang pagbaha dulot ng mga bagyong Crising, Dante, at Emong, kasama ang habagat.

Ang leptospirosis ay nakukuha sa kontaminadong tubig na may ihi ng hayop, gaya ng daga.

Nagpaalala ang DOH na agad maligo matapos lumusong sa baha at kumonsulta sa health center kung may nararamdamang sintomas.

Pinaigting na rin ang monitoring sa mga lugar na may mataas na kaso upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.