dzme1530.ph

Mga lokal na pamahalaan, dapat kumilos laban sa education crisis

Loading

Muling nanawagan si Sen. Sherwin Gatchalian sa mga lokal na pamahalaan na makiisa sa pagtugon sa krisis sa edukasyon sa bansa.

Ayon sa senador, batay sa pinakahuling survey ng Philippine Statistics Authority, kinumpirma ang umiiral na comprehension crisis, o ang kakulangan ng mga estudyante sa pag-unawa sa kanilang binabasa.

Binigyang-diin ni Gatchalian na hindi maaaring ipagpaliban ang paglaban sa illiteracy dahil ang kinabukasan ng bansa ang nakataya.

Bilang tugon, isinusulong niya ang panukalang National Literacy Council Act, na layong italaga ang mga local school boards bilang de facto local literacy councils na mangunguna sa mga programang pang-edukasyon sa kanilang mga komunidad.

Iminungkahi rin ng senador ang pagpapalawak ng mga programang tulad ng ARAL Program para sa learning recovery, at ang Alternative Learning System upang maabot hindi lamang ang mga bata kundi maging ang mga adult learners.

Giit ni Gatchalian, hindi sapat na ang national government lang ang kumikilos, dapat ding magsagawa ng sariling inisyatiba ang mga lokal na pamahalaan upang masigurong walang maiiwan sa edukasyon.

About The Author