dzme1530.ph

Iba’t ibang sektor, nagbigay ng donasyon sa Maynila para tugunan ang kakulangan sa medical supplies

Loading

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat sina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Angela Lei “Chi Atienza sa mga pribadong sektor na nagkaloob ng donasyon para sa lungsod ng Maynila, bilang tugon sa kakulangan ng medical supplies at gamot sa mga pampublikong ospital.

Ayon sa mga opisyal, ang tulong mula sa iba’t ibang sektor ay malaking ginhawa para sa mga pasyente at health workers sa lungsod, lalo na sa gitna ng patuloy na pangangailangan sa mga pangunahing gamot at kagamitan.

Kabilang sa mga nagpaabot ng donasyon ay ang Paco Filipino-Chinese Association, na nagbigay ng 2,000 sako ng bigas (tig-limang kilo) at iba pang kagamitan; Manila Water, na nagkaloob ng 300 bote ng 5-litro na tubig; MV Lab-Solution, na nagbigay ng medical at laboratory supplies gaya ng syringes, gloves, at COVID antigen test kits; Gardenia, na nag-abot ng 500 piraso ng tinapay; at Metromed Distributors Inc., na nagkaloob ng iba’t ibang gamot tulad ng amlodipine, ascorbic acid, multivitamins, metformin, paracetamol, losartan, at mga gamot na syrup.

Ayon kay Moreno, ang mga donasyong ito ay patunay ng matibay na diwa ng pagkakaisa at pakikipagkapwa-tao sa gitna ng mga hamon sa sektor ng kalusugan.

About The Author