dzme1530.ph

Pinal na ruling ng Korte Suprema sa impeachment case vs VP Sara, dapat hintayin muna bago botohan —Sen. Pangilinan

Loading

Iginiit ni Sen. Kiko Pangilinan na dapat hintayin muna ng Senado ang magiging pinal na desisyon ng Korte Suprema sa ihahaing motion for reconsideration ng Kamara bago magbotohan kaugnay ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Pangilinan, bagama’t immediately executory ang desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklarang unconstitutional ang reklamo, hindi pa ito pinal hangga’t hindi nareresolba ang apela.

Ginawa ng senador ang pahayag bilang tugon sa naging pahayag ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na nasa 19 hanggang 20 senador na umano ang nais sundin ang ruling ng Korte Suprema.

Giit ni Pangilinan, mas makabubuting huwag munang ituloy ang botohan, bagama’t nakatakda na ang pagtalakay ng Senado sa isyu sa darating na Agosto 6.

About The Author