Nag-usap sa pamamagitan ng telepono sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at German Chancellor Friedrich Merz para palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Germany.
Ayon sa Pangulo, tinalakay nila ang pagpapalalim ng defense at economic cooperation, kabilang ang pagtutulungan sa mga regional issues at ang paglikha ng mas maraming oportunidad para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Noong Mayo, lumagda ang Pilipinas at Germany sa isang defense agreement bilang bahagi ng “overarching framework” para sa mas pinatibay na bilateral defense partnership.
Ibinunyag din ng punong ehekutibo na muli siyang inimbitahan na bumisita sa nasabing European country.
Unang nagtungo si Pangulong Marcos sa Germany noong Marso 2024 para sa isang working visit, sa paanyaya noon ni German Chancellor Olaf Scholz.