dzme1530.ph

SEBA suspension pinuna ni Rep. San Fernando; Laguesma tinawag na pro-employer

Loading

Tinawag ni Kamanggagawa Partylist Rep. Elijah San Fernando si Labor Secretary Benny Laguesma bilang “employer secretary.”

Dismayado ang baguhang kongresista sa inilabas na Labor Advisory No. 10, series of 2025, na nagsasaad ng suspensyon ng Sole and Exclusive Bargaining Agent o SEBA.

Ayon kay San Fernando, premature ang kautusan dahil ang tanging basehan lamang nito ay ang desisyon ng Court of Appeals, na hindi pa pinal o executory.

Himutok pa ng kongresista, dahil sa kautusan ni Laguesma, bawal na ngayon sa mga manggagawa ang bumuo ng unyon.

Sa panig ng mga manggagawa, masinop umano itong sumusunod sa mga legal na hakbangin para lang makapag-organisa ng unyon.

Para kay San Fernando, ipinapakita umano ni Laguesma ang pagiging pro-employer, kaya mas nararapat itong tawaging “secretary of employer” at hindi “secretary of labor.”

About The Author