dzme1530.ph

Imbestigasyon at audit sa flood control projects, dapat ipaubaya sa isang independent body

Loading

Inirekomenda ni Sen. Panfilo Lacson sa Malacañang na bumuo ng independent body na mangangasiwa sa imbestigasyon sa mga matutukoy na palpak at guni-guning flood control projects.

Sinabi ni Lacson na hindi dapat ipaubaya sa Department of Public Works and Highways o sa iba pang mga taga-gobyerno ang imbestigasyon, dahil maghihinala ang publiko na magkaroon ng takipan, lalo’t sila rin ang gumagawa ng mga proyekto.

Binigyang-diin ng senador na malaking isyu ang flood control projects at maituturing itong national security issue dahil kakabit nito ang climate change.

Marami rin aniyang civil society organization at pribadong indibidwal ang handang tumulong sa imbestigasyon, dahil pagod na sila sa nakikitang kapalpakan at katiwalian.

Duda rin si Lacson sa plano ng mga kongresista na ipatawag si DPWH Secretary Manuel Bonoan sa isasagawang pagsisiyasat, kasabay ng paalala na noong 2022 ay may 67 kongresista na contractor ng mga government project.

About The Author