Tinanggap na ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang pamumuno sa Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation.
Tiniyak ni Lacson na agad niyang itatakda ang pagdinig sa kanyang panukalang Anti-Political Dynasty bill, kabilang na ang iba pang mga panukala na inirefer sa naturang komite.
Ayon sa senador, si Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III ang pinagdaanan ng alok ni Senate President Chiz Escudero para sa komiteng ito.
Nauna nang sinabi ni Lacson na bukas ang minority bloc na tanggapin ang mga natitirang committee assignments. Giit niya, kahit nasa minorya, aktibo pa rin silang makikilahok sa mga public hearing at deliberasyon sa plenaryo ng Senado.