dzme1530.ph

Angara, aminadong mabigat ang problema sa classroom shortage

Loading

Aminado si Education Sec. Sonny Angara na mabigat ang suliranin sa kakulangan ng silid-aralan sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Sa post-SONA session ukol sa Education and Workers’ Welfare Development, sinabi ng kalihim na naapektuhan na ang kalidad ng pagkatuto ng mga estudyante dahil sa kakulangan ng classrooms.

Suportado rin ni Angara ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ika-apat na SONA, na dapat makapagtayo ng dagdag na 40,000 silid-aralan sa tulong ng pribadong sektor bago matapos ang termino ng administrasyon.

Sa nasabing session, iniulat naman ni Presidential Communications Office Undersecretary Atty. Claire Castro na nakaposisyon na ang mga high-tech learning materials tulad ng smart TVs, libreng WiFi, at libreng load para sa Bayanihan SIM Card Program.

About The Author