Ikinabahala ni Senador Sherwin Gatchalian ang ulat ng PNP na umabot na sa 2,000 ang bilang ng suicide cases mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.
Dahil dito, nanawagan siya sa gobyerno na agarang tugunan ang lumalalang mental health crisis.
Giit ni Gatchalian, hindi dapat hintayin na may buhay pang mawala bago kumilos.
Iginiit din ng senador ang mas maigting na implementasyon ng Mental Health Act at ng Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act.
Kailangan aniyang tiyakin ang sapat na pondo at accessibility ng mga serbisyong mental health para sa lahat ng Pilipino.