dzme1530.ph

Problema sa edukasyon, inaasahang mababanggit ni PBBM sa ika-4 na SONA, ayon sa isang kongresista

Loading

Umaasa si ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na mabibigyang-pansin sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga pangunahing isyung kinakaharap ng bansa, partikular sa sektor ng edukasyon.

Ayon kay Tinio, matindi na ang krisis sa edukasyon at kinakailangan nang maglatag ang Pangulo ng konkretong mga hakbang upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 90% ng mga Pilipinong may edad lima pataas ang may basic literacy. Gayunpaman, tinatayang 19 milyon pa rin ang itinuturing na functionally illiterate, batay sa 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey.

Iginiit din ni Tinio na patuloy na tututukan ng Makabayan Bloc ang iba pang mahahalagang isyu sa bansa na nangangailangan ng agarang tugon mula sa administrasyon.

Samantala, nagsimula na ang unang sesyon sa Kamara ngayong araw, kung saan nakaabang ang publiko kung mananatili si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang House Speaker o kung magkakaroon ng pagbabago sa liderato.

About The Author