Isa sa mga prayoridad ng 20th Congress na magsisimula ngayong araw ay ang pagpapababa ng presyo ng pagkain.
Ayon kay Iloilo Rep. Janette Garin, magandang balita ang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na naibaba na sa 4.5% ang food inflation mula sa dating 8%.
Tiwala si Garin na sa muling pag-upo ni Leyte Rep. Martin Romualdez bilang Speaker of the House, magpo-focus ang Kamara sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan—partikular sa pagkain, kalusugan, at trabaho.
Asahan din na ipagpapatuloy ngayong 20th Congress ang mga inisyatibo ng Quinta Committee noong nagdaang kongreso, na layuning pababain ang presyo at siguruhin ang sapat na supply ng pagkain.
Sa isinagawang imbestigasyon ng Quinta Committee, natuklasan na ang landed cost ng imported rice ay nasa ₱33–₱35 kada kilo na lamang, subalit ang bentahan sa merkado ay nananatili sa ₱60 kada kilo.