Anim na national road sections sa buong bansa ang nananatiling sarado sa trapiko ngayong Lunes, bunsod ng pinagsama-samang epekto ng mga nagdaang bagyo at ng habagat, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa travel advisory na inilabas ngayong araw, sinabi ng DPWH na dalawa mula sa anim na saradong kalsada ay matatagpuan sa Cordillera Administrative Region (CAR), dalawa sa Central Luzon, at dalawa rin sa CALABARZON.
Ayon sa ahensya, ang mga apektadong kalsada ay nagtamo ng mga pinsala gaya ng debris sa bridge decks, soil collapse, pagbaha, at gumuho na roadway sections.
Mayroon ding 16 iba pang national road sections na limitado lamang ang access bunsod ng naputol na kalsada, na-washout na detour roads, pagbaha, precautionary closures, at washed-out bridge detours.