Inihahanda na ng House of Representatives ang kanilang ihahaing motion for reconsideration kaugnay ng desisyon ng Supreme Court na nagpapawalang-bisa sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Ikinatwiran ng Kamara na ang ruling ng Kataas-taasang Hukuman ay ibinase sa anila ay incorrect findings na taliwas sa official records.
Sinabi ni House of Representatives spokesperson, Atty. Princess Abante, na matapos ang kanilang masusing pag-aaral ay nadiskubre nila na ang mga naging basehan ng desisyon ng Kataas-taasang Hukuman ay nakaaalarma.
Una nang idineklara, unanimously, ng Korte Suprema na unconstitutional ang articles of impeachment laban kay VP Sara at nagpatupad ng one-year ban, sa pagsasabing nilabag nito ang right to due process.