dzme1530.ph

Ruling ng SC sa impeachment complaint laban kay VP Sara, pagbobotohan ng mga senador

Loading

Posibleng pagbotohan ng Senado sa pagbubukas ng sesyon ng 20th Congress ang magiging susunod nilang hakbang kaugnay ng desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklarang unconstitutional ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Sen. Jinggoy Estrada, mahalagang sundin ang rule of law, at inaasahan niyang magkakaroon ng kolektibong paninindigan ang Senado hinggil sa naturang usapin.

Giit ni Estrada, iginagalang niya ang desisyon ng Korte Suprema, at ito aniya ay paalala na ang anumang hakbang para papanagutin ang mga opisyal ng gobyerno ay dapat nakaangkla sa matibay na ligal na basehan at sa due process.

Dagdag pa ng senador, kahit sa mga proseso gaya ng impeachment, kailangang masunod pa rin ang tamang daloy ng batas upang matiyak na hindi ito magiging kasangkapan ng pulitika.

Sa huli, sinabi ni Estrada na panahon na upang ituon ang atensyon sa mga tunay na isyung kinahaharap ng bansa, gaya na lamang ng rehabilitasyon sa mga lugar na tinamaan ng matinding bagyo nitong mga nakaraang araw.

About The Author