Iginiit ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na may gabay ng Holy Spirit ang naging desisyon ng Korte Suprema sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa social media post ni Dela Rosa, muli niyang iginiit na may gabay ng Holy Spirit nang magmosyon siya para sa dismissal ng impeachment complaint laban sa Bise Presidente.
Ngayon aniya na nagdesisyon ang Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment case na inihain ng prosekusyon, naniniwala siyang may patnubay din ito ng Holy Spirit.
Hindi man tinukoy, pero sinabi pa ni Dela Rosa na tinalo ng Holy Spirit ang mga pwersa ng kasamaan matapos ang naging pasya rito ng Korte Suprema.
Samantala, kinikilala ni Senador Sherwin Gatchalian na final authority sa ligalidad ng bawat proseso ang Korte Suprema kaya’t iginagalang niya ang naging ruling nito sa impeachment case.
Tiniyak din ni Gatchalian na patuloy nilang susundin ang rule of law at ang prinsipyo ng democratic institutions.