dzme1530.ph

Cambodia, nanawagan ng agarang tigil-putukan sa girian kontra Thailand

Loading

Nais ng Cambodia na magpatupad ng ‘immediate ceasefire’ laban sa Thailand

Ito ang naging tugon ng Cambodia matapos magdeklara ng martial law ang Thailand sa walong rehiyon nito malapit sa border ng dalawang bansa.

Ayon kay UN Ambassador Chhea Keo, humihingi ang Cambodia ng agarang tigil-putukan nang walang kondisyon at nananawagan para sa mapayapang solusyon sa mga problemang hindi napagkaunawaan.

Samantala, iniulat ng Cambodian officials na umabot na sa 32 ang death toll sa nasabing girian.

About The Author