dzme1530.ph

Senado at Kamara, ‘di tamang kinapon ng Korte Suprema

Loading

Ipinaalala ni Sen. Kiko Pangilinan na co-equal branch ang Senado, Kamara, at Korte Suprema.

Ginawa ni Pangilinan ang pahayag kasunod ng ruling ng Korte Suprema na nagdedeklarang unconstitutional ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Pangilinan na nirerespeto niya ang ruling ng Korte Suprema, subalit para sa kanya ay hindi tamang tila “kinapon” o “pinosasan” ang Kamara at Senado sa desisyon. Pinipigilan aniya nito ang trabaho at mandato ng Kongreso sa usapin ng public accountability.

Sa panig naman ni Sen. Erwin Tulfo, iginiit niyang itinatakda ng Konstitusyon na ang Senado lamang ang may kapangyarihang litisin at desisyunan ang lahat ng impeachment cases.

Nangako si Tulfo na kikilos sila upang mapanatili ang integridad at katarungan sa pagganap ng kanilang constitutional mandate.

Tiniyak ng senador na tatalakayin nila sa pagbabalik ng sesyon sa plenaryo kung susundin o babalewalain nila ang desisyong ito ng Korte Suprema.

About The Author