dzme1530.ph

PETA nananawagan ng proteksyon para sa mga alagang hayop sa gitna ng masamang panahon

Loading

Nananawagan ang People for the Ethical Treatment of Animals Asia (PETA) sa publiko na isama sa disaster preparedness ang mga alagang hayop, sa gitna ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa bansa dulot ng southwest monsoon o habagat.

Ayon sa PETA, hindi kayang ipagtanggol ng mga hayop ang kanilang sarili laban sa baha, landslide, at iba pang sakuna, kaya’t mahalagang huwag silang iwan kapag kailangang lumikas.

Paalala rin ng grupo na huwag itali o ikulong ang mga alagang hayop, at tiyaking may access sila sa mas mataas na bahagi ng bahay.

Hinihikayat din ang mga pet owner na maghanda ng emergency kit na may laman na carrier, leash, pagkain, tubig, food bowl, tuwalya, at laruan upang mapanatiling kalmado ang mga alaga sa panahon ng sakuna.

Hinimok din ng PETA ang publiko na tulungan ang mga ligaw o naiwang hayop sa lansangan.

Kung may makitang hayop na nasa panganib, maaaring tumawag sa PETA hotline: 0999-888-7382.

About The Author