dzme1530.ph

Disaster resilience, dapat nang palakasin       

Loading

Kailangan ng gobyerno ng pangmatagalang plano at praktikal na solusyon sa harap ng tumitinding epekto ng mga kalamidad sa bansa ayon kay Sen. Jinggoy Estrada.

Kaugnay nito, isinusulong ng senador ang paglikha ng Department of Disaster Resilience (DDR), isang ahensiyang tututok sa disaster preparedness, response, at recovery efforts.

Kasama rin sa kaniyang panukala ang Disaster Food Bank and Stockpile Act, na layong bumuo ng national network ng food banks para sa mabilis na deployment ng relief goods sa panahon ng emergency.

Giit ni Estrada, “Relief efforts are often delayed because of access issues,” kaya kailangang mailapit sa mga komunidad ang mga food bank bago pa man tumama ang kalamidad.

Binigyang diin nito na kailangang maging proactive at hindi reactive ang gobyerno.

About The Author