dzme1530.ph

Kawalan ng disiplina, pangunahing sanhi ng malawakang pagbaha

Loading

Isinisi ni Sen. Loren Legarda sa kawalan ng disiplina ng publiko ang patuloy na malawakang pagbaha sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa sa gitna ng walang tigil na ulan dulot ng habagat.

Ayon kay Legarda, basurang bara sa mga kanal, estero, at ilog ang dahilan ng mabagal na agos ng tubig baha. Dagdag pa rito, tinayuan na rin ng bahay at iba’t ibang istruktura ang mga daluyan ng tubig.

Binatikos din ng senadora ang walang habas na pagtatapon ng basura sa karagatan mula sa mga bangka at barko.

Iginiit ni Legarda ang mas mahigpit na pagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management Act, partikular sa paghihiwalay ng nabubulok at di-nabubulok na basura, at ang tuluyang pagbabawal sa paggamit ng single-use plastic.

Panawagan naman ng senadora, alisin ang lahat ng nakaharang na istruktura sa waterways at pagtulungang linisin ang mga ito. Ipinaalala rin nito na ang dagat at ilog ay nagbibigay-buhay, at hindi ito tambakan ng basura.

About The Author