dzme1530.ph

Mga kabataang sangkot sa viral incident sa Tondo, iniligtas ng Manila Police District

Loading

Iniligtas ng mga tauhan ng Moriones-Tondo Police Station (PS2) ng Manila Police District ang pitong menor de edad matapos masangkot ang mga ito sa isang kaguluhang kumalat sa social media, na naganap noong Hulyo 19, 2025 bandang alas-4:00 ng hapon sa kahabaan ng Zaragoza Street kanto ng Tahimik Street, Brgy. 17, Zone 2, Tondo, Maynila.

Ang insidente ay nangyari sa gitna ng malakas na ulan dulot ng Bagyong Crising.

Ayon sa mga awtoridad, agad silang nagsagawa ng rescue operation bandang alas-11:30 ng gabi ng Hulyo 20 matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa viral na insidente.

Ang mga menor de edad, edad 12 hanggang 16, ay ligtas na na-rescue mula sa kanilang mga tirahan sa Tondo at Binondo sa pakikipagtulungan ng kanilang mga magulang o tagapangalaga.

Kabilang sa mga sangkot ay sina:

KDB, 15 anyos, Tondo, Maynila

TSSJ, 14 anyos, Tondo, Maynila

SRBB, 14 anyos, Binondo, Maynila

CCC, 14 anyos, Binondo, Maynila

JCSJ, 12 anyos, Tondo, Maynila

RWMA, 14 anyos, Tondo, Maynila

JAL, 16 anyos, Tondo, Maynila

Pinangunahan ang operasyon ng mga operatiba mula sa Follow-Up Unit sa pamumuno ni PMAJ Genesis C. Aliling, kasama ang Sector 1 Line Beat Patrollers sa pamumuno ni PMAJ Jade Christian A. Dela Torre, at sa ilalim ng pangkalahatang superbisyon ni PLTCOL Gilbert C. Cruz, Station Commander.

Ang mga kabataan ay itinurn-over na sa Manila Department of Social Welfare para sa kaukulang case conference, intervention, at pangangalaga.

Binigyang-diin ng MPD ang kanilang patuloy na pangako sa kaligtasan at kapakanan ng mga kabataang Manileño.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay PSSg Melinda Baloc sa numerong 0998-337-6961.

 

About The Author