dzme1530.ph

Social media platforms, binalaang posibleng maharap sa aksyon ng gobyerno kung hindi lilinisin ang mga fake news

Loading

Binalaan ni Senador Sherwin Gatchalian ang malalaking social media platforms  tulad ng Facebook na posibleng maharap sa aksyon ng pamahalaan kung hindi lilinisin ang kanilang platform mula sa fake news at disinformation.

 Sa mga nagdaang taon anya malinaw na nakita na kung paano ginagamit ng masasamang loob ang social media, tulad ng Facebook, bilang sandata para maghasik ng kasinungalingan, mag-udyok ng galit, at baluktutin ang opinyon ng publiko.

Ginagawa anyang negosyo ang fake news at panlilinlang ang produkto.

Ayon sa senador, ang paglaganap ng fake news, misinformation, at disinformation ay umabot na sa mapanganib na antas, at ito ay isang banta hindi lamang sa katotohanan, kundi maging sa demokrasya at kaligtasan ng publiko.

Binigyang-diin ng senador na bagama’t may kalayaan sa pagpapahayag, may responsibilidad din ang mga social media companies na tiyaking hindi sila nagiging daluyan ng maling impormasyon na maaaring makapinsala sa publiko.

Nanawagan si Gatchalian sa mas mahigpit na regulasyon at mas aktibong pakikilahok ng mga kumpanya sa pagtukoy at pagtanggal ng pekeng balita, lalo na kung ito ay nagpapalaganap ng takot, galit, at panlilinlang.

About The Author