Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga private employer sa Metro Manila na ipatupad na ang dagdag na ₱50 sa minimum wage, ng mga empleyado.
Tinatayang nasa 1.2 million na manggagawa ang makikinabang sa pagtaas ng sahod.
Hinikayat din ng DOLE ang mga manggagawa na i-report sa kanila ang mga employer na hindi susunod sa bagong wage order.
Matatandaang epektibo na ang umento simula Biyernes, July 18, matapos aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board noong Hunyo.