Inatasan ng Department of Agriculture (DA) ang mga ahensya nito na agarang tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng bagyong Crising at habagat.
Sa inisyal na ulat, tinatayang nasa ₱53 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa mga rehiyon ng Western Visayas at Mimaropa.
Mahigit 2,000 magsasaka na nagtatanim sa mahigit 2,400 ektarya ng lupa ang apektado ng masamang panahon.
Ayon kay DA Usec. Roger Navarro, kailangang kumilos agad ang kanilang hanay, kung ipag-aadya ng panahon, upang maibsan ang hirap ng mga apektadong sektor.