dzme1530.ph

Palasyo, idineklara ang Nob. 7 bilang special national working holiday bilang pagkilala sa Muslim Filipinos

Loading

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Nobyembre 7 ng bawat taon bilang special national working holiday upang kilalanin ang kasaysayan ng Muslim Filipinos at ang kanilang mga kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.

Ang special national working holidays ay walang special pay rates at hindi rin pinaiiral ang “no work, no pay” rule.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Republic Act No. 12228 kahapon upang pormal na italaga ang Nob. 7 bilang “Sheikh Karim’ul Makhdum Day.”

Ito’y bilang paggunita sa pagdating ng Islam sa Pilipinas sa pamamagitan ng grupo ng Arabian missionaries na pinamunuan ni Sheikh Karim’ul Makhdum, na nagpalaganap ng relihiyon sa bansa.

About The Author